Sunday, August 26, 2012

DIARY Teaser



Nais ko muna pong magpasalamat sa mga sumusubaybay ng "Unspoken Love: Macky" pasensya na po kung matagal bago lumabas ang susunod na part ng kwento. Natutuwa po ako dahil sa loob po ng isang buwan ay mayroon na po akong 357 viewers, bagamat hindi pa po ganoon kadami ang aking mga followers ay isang malaking tagumpay na po ito para sa akin. Para po sa kaalaman ng karamihan, ang unang istorya po na ito ay hango sa tunay kong pinagdaanan at karanasan, kaya naman po habang isinusulat ko po ito ay kasama ang aking puso sa bawat kataga at pangungusap na nabubuo sa aking istorya. Nais ko po kasing ang bawa magbabasa ng aking istorya ay madama ang aking nararamdaman habang isinusulat ko po ito.

Nagpapasalamat din po ako sa isang kaibigan na siyang nagbigay ng idea sa akin upang gawin ko po ang blogsite na ito. si "iamdarkdreamer" dahil po sa kanya ay nagkaroon ako ng pagkakataong mailabas ang anumang dinadala ko sa aking puso. Sa pamamagitan ng blogsite na ito ay aking nailalabas at naisisiwalat ang lahat ng itinatago ko sa aking buhay.

Nais ko rin po pasalamatan si "Kuya Kejie" aka Dark Ken dahil sa kanyang mga storya ay nagkaroon ako ng idea kung paano ko isusulat at bibigyang buhay ang bawat chapter ng Unspoken Love: Macky. nagbigay inspirasyon ang bawat istorya nya lalo na ung "Minahal ni Bestfriend" dahil halos pareho kami ng pinagdadaanan ng bida sa istoryang ito.

Salamat po sa masugid na pagsubaybay, at nawa'y bawat isa sa mga nakabasa nito ay maging inspirasyon din po sa inyo ang lahat ng mambabasa.

Hinihingi ko rin po ang inyong pagsuporta sa panibagong istorya na aking ilalabas sa mga darating pang panahon.

Maraming salamat po. God bless you all mga PAREKOY






Noong 1st year high school ako, natatandaan ko pa na may ginawa akong Diary. doon ko isinusulat lahat ng mga nangyari sa akin sa buong mag-hapon. Mga experiences ko at mga kalokohan na pinag-gagawa ko sa buong isang araw na gising ang aking pagkatao. Bago ako matulog, kinakausap ko siya, ewan ko ba parang siya ang naging sumbungan ko. Pero nawala ang Diary ko na iyon, di ko matandaan paano at bakit ko hinayaan na mawala siya.

Sa panahon ngayon, uso pa ba ang Diary? May tao pa kayang nagsusulat ng mga karanasan nya, mga sakit, saya at pagkatalo sa isang bagay na kahit kailan ay hindi nya maririnig na mangungusap at magbibigay ng payo sa kanya. Sapat nga bang sa isang notebook mo isulat ang mga nararamdaman mo sa isang tao, sabihin ang nilalaman ng iyong puso? tunay kayang ang DIARY ay maitatago ang lahat sa buhay ng isang tao? Paano kung ang itinuturing mong kaibigan ang siya rin palang magbubunyag ng lahat ng sikreto mo sa buhay? Hanggang kailan kayang itago ng DIARY mo ang isang sikretong kahit sino ay walang nakaka-alam kundi ikaw at ang DIARY mo.

Diary ang naging sandalan ni Richard simula nang makarating siya sa Middle East dahil bago pal lang siya dito ay wala pa siyang kakayahan na bumili ng laptop o kahit anung high class na cellphone na may hightech na features. Dahil para sa kanya, kailangan nya munang unahin ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa kanyang Diary ay nailalabas ni Richard ang anumang nasa puso nya.

Anu kaya ang magiging papel ng Diary na ito sa kanyang pagkatao? Paanong ang DIARY nya ang magiging dahilan ng lahat ng kanyang pagkabigo? At sino ang dahilan ng kanyang pagkabigo?

No comments:

Post a Comment