Sunday, August 26, 2012

DIARY Teaser



Nais ko muna pong magpasalamat sa mga sumusubaybay ng "Unspoken Love: Macky" pasensya na po kung matagal bago lumabas ang susunod na part ng kwento. Natutuwa po ako dahil sa loob po ng isang buwan ay mayroon na po akong 357 viewers, bagamat hindi pa po ganoon kadami ang aking mga followers ay isang malaking tagumpay na po ito para sa akin. Para po sa kaalaman ng karamihan, ang unang istorya po na ito ay hango sa tunay kong pinagdaanan at karanasan, kaya naman po habang isinusulat ko po ito ay kasama ang aking puso sa bawat kataga at pangungusap na nabubuo sa aking istorya. Nais ko po kasing ang bawa magbabasa ng aking istorya ay madama ang aking nararamdaman habang isinusulat ko po ito.

Nagpapasalamat din po ako sa isang kaibigan na siyang nagbigay ng idea sa akin upang gawin ko po ang blogsite na ito. si "iamdarkdreamer" dahil po sa kanya ay nagkaroon ako ng pagkakataong mailabas ang anumang dinadala ko sa aking puso. Sa pamamagitan ng blogsite na ito ay aking nailalabas at naisisiwalat ang lahat ng itinatago ko sa aking buhay.

Nais ko rin po pasalamatan si "Kuya Kejie" aka Dark Ken dahil sa kanyang mga storya ay nagkaroon ako ng idea kung paano ko isusulat at bibigyang buhay ang bawat chapter ng Unspoken Love: Macky. nagbigay inspirasyon ang bawat istorya nya lalo na ung "Minahal ni Bestfriend" dahil halos pareho kami ng pinagdadaanan ng bida sa istoryang ito.

Salamat po sa masugid na pagsubaybay, at nawa'y bawat isa sa mga nakabasa nito ay maging inspirasyon din po sa inyo ang lahat ng mambabasa.

Hinihingi ko rin po ang inyong pagsuporta sa panibagong istorya na aking ilalabas sa mga darating pang panahon.

Maraming salamat po. God bless you all mga PAREKOY



Friday, August 24, 2012

Unspoken Love: Macky Part 5




"Karera tayo" sabi nya. "Paunahan makarating sa kabilang dulo"

Sumang-ayon naman ako at binigay ang gusto nya. Tuwang-tuwa sya dahil palagi syang nananalo sa akin. Makailng ulit kaming nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool.

Nang biglang........

"Ahhhhhggggg!!!!!

Naramadaman ko na lang na nanigas ang aking mga binti habang nasa ilalim ako ng tubig. Halos hindi ko maigalaw ang aking buong paa para makalangoy palapit sa gilid ng pool.

"Rhenz, anung nangyari, antayin mo ako tulungan kita umahon." tarantang sabi ni Macky habang lumalangoy papalapit sa akin upang sagipin ako sa muntikan kong pagkalunod.
Kitang kita ko sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala dahil sa nangyari.

"Ikaw naman kasi eh, yabang-yabang mo hamunin ako, pulikatin ka naman pala." pang-aasar nya na may halong lungkot sa kanyang mga tinig.

"Napagod lang siguro ako kasi kanina pa tayo lumalangoy, tsaka wala na rin akong exercise kaya ganyan ang nangyari sa akin." malumanay kong sagot upang ibsan ang pag-aalala nya.

"Tinakot mo ako dun ha, akala ko mawawala ka na sa buhay ko agad ng ganon-ganon lang."

Napatigil ako saglit sa aking narinig mula kay Macky. Hindi ko alam ang isasagot ko at natulala na lang habang pinagmamasdan sya sa paghihilot sa aking mga binti.

"Anung ibig sabihin niya sa mga salitang iyon?' tanong ko sa sarili ko na alam ko namang di ako kayang sagutin.

"masakit pa ba? tanong nya

"Ah, ndi na" 

"Oh tayo ka na diyan, aakayin na lng kita papuntang cottage natin para makapagpahinga ka muna" sabay kuha ng braso ko upang ilagay sa kanyang mga balikat

Habang naglalakad papuntang cottage ay bigla kong narinig ang boses ni Jhun.

"Pare anung nangyari sa iyo, bakit akay-akay ka ni Macky?" usisa ni Jhun

"Pinulikat sya habang nagkakarera kami sa paglangoy dun sa kabilang pool." sagot ni Macky

"Oh, okay ka naman na ba? Mabuti at nandiyan si Macky para sagipin ka."

Hindi na ako tumugon pa dahil nahihiya ako sa nangyari.

"Iba talaga 'to si Macky, Hero mo na duktor mo pa." si Jhun

"Sige Macky ikaw na muna bahala kay Rhenz alam ko naman na kaya mo na iyan at di mo sya pababayaan. Punta na ako dun at nang makapag-enjoy" Pamamaalam ni Jhun sabay takbo at talon sa pool.

Pinamulahan ako sa sinabi ni Jhun kaya itinungo ko na lang ang aking ulo upang di nila mahalata ang pamumula ng aking mukha.

Nang makarating kami sa cottage ay naupo na lang ako at nanahimik.

"Oh pare, samahan na lang kita dito para di ka mainip hanggang sa maging ok na 'yang mga binti mo." si Macky

"Hindi na pare, sige na punta ka na doon, ayokong masayang ang araw mo na ito dahil sa akin, ok naman ako dito eh, konting pahinga lang naman ito. I-enjoy mo na lang na kasama ang ibang tropa" siyang pagtanggi ko kay Macky.

"Hindi puede, dito lang ako, sasamahan kita kahit saan ka magpunta, babantayan kita. Ayoko na maulit ung nangyari sa iyo kanina." habang hawak nya ang aking mga kamay.

Kitang-kita ko talaga ang pag-aalala nya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga oras na iyon. Tanging alam ko lang ay sobra akong masaya dahil sa mga ipinapakita ni Macky sa akin.  Bakit nya kailangan ubusin ang oras nya sa akin? 

Dahil na rin nahihiya na ako kay Macky, ay nagkunwari akong ayos na ang aking mga binti at pinilit na tumayo at maglakad, makirot man ang aking nararamdaman ay pinilit ko dahil ayokong masayang ang oras ni Macky dahil sa akin.

"Sigurado kang kaya mo na?" tanong nya na may pag-aalala

"Oo, ako pa!? sabi sa iyo konting pahinga lang ito eh" tugon ko na iniinda ang sakit sa aking mga binti.

Iika-ika man ay pilit kong inayos ang aking paglakad upang di nya mahalata na may kirot parin akong nararamdaman, ito ay upang di siya mag-alala pa sa kalagayan ko.

Patakbo kaming bumalik sa wave pool at naglaro na parang bata.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may humawak sa aking mga braso.

"Oh, saan ka pupunta? Pupunta ka na naman dun sa malalim, mamaya pulikatin ka na naman diyan!" galit na tugon ni Macky sa akin

Hinila nya ako papalapit sa gilid ng pool, humigpit ang hawak nya sa aking mga braso at may puwersa habang hatak hatak niya ako. 

"Huwag ka nga makulit, masyado na ako nag-aalala sa iyo, puede ba!" galit na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, masyado akong natakot sa nakita ko sa inasal nya. pero andun ung pakiramdam na masaya dahil may nag-papakita ng pagpapahlaga sa akin. Naalala ko bigla sa kanya si Kuya Rey.

Si Kuya Rey ay isa sa mga kaibigan ko nung first year high school ako sa dati kong pinapasukan na school.

Upang mawala ang galit sa mukha ni Macky ay bigla na lang akong tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Bakit tawa ka pa ng tawa diyan? Nakita mo na ngang nag-aalala lng 'yung tao sa iyo eh nakuha mo pang tumawa diyan."  nakasimangot na sabi sabay talikod sa akin

" Sorry na, natawa lang ako dahil sa itsura mo, pangit mo magalit....." pang-aasar ko pa


"ok sige na, di na ako magmamatigas ng ulo, wag ka lang magalit. Tara na balik na tayo dun." panunuyo ko sa kanya.

"Umayos ka na nga, tara na at makalangoy na ulit" sabay batok sa akin ni Macky


Patakbo ulit kaming nagpunta sa wave pool, pero sa pagkakataong ito, di na ako nilubayan ng tingin ni Macky, sinisiguradong di na ako mawawala sa kanyang paningin. Pero dahil gusto ko siyang asarin talaga ay paminsan minsan tinataguan ko siya at sa tuwing mahuhuli nya ako ay isang malakas na batok sa ang natatanggap ko mula sa kanya. Ibang kasiyahan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon, saya dahil may isang kaibigan ang nandiyan at di ako iniwan sa oras na kailangan. Masaya dahil pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay para akong salamin na sobrang pinag-iingatan ni Macky at ayaw malamatan.

Nang mapagod kami sa pagtatampisaw sa wave pool ay napagpasiyahan na naming magbanlaw sa shower room at nang makapaghanda na dahil malapit na kami umuwi.

Nang matapos magbanlaw ay, inayos na namin ang aming mga gamit at tumuloy nang umakyat sa loob ng bus upang makapagpahinga.

Sa loob ng bus ay nakasandal ako sa may tabi ng bintana ng biglang tumabi sa akin si Macky.

"Sa susunod wag mo na gagawin iyon ha. Pinag-alala mo ako ng husto." bungad ni Macky sa akin

Laking gulat ko naman ng marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya, tinitigan ko lang siya at pinagmasdan ang kanyang mukha, halata pa rin sa kanya ang pag-aalala sa mga nangyari kanina sa pool. Di ko maiwasang ma-touch sa kanyang mga sinabi, gusto kong damahin ang kanyang mukha gamit ang aking mga palad subalit natigilan ako. Bigla naman siyang lumayo at iniwas ang mukha sa akin sabay sandal ng ulo sa aking balikat. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na nakatulog na pala siya, siguro dahil sa sobrang pagod kanina.

Habang tumatakbo ang bus pauwi ay di ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari at maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan.

Maraming "BAKIT" ang naiwan sa aking isipan hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok at makatulog habang tumatakbo ang bus.

Naallimpungatan ako mula sa aking pagkakatulog nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin, pagmulat ng mga mata ko ay nabungaran ko ang mukha ni Macky sa aking harapan. Nakanigti at pinagmamasdan ako.

"Pangit mo talaga matulog. Naka-nganga ka na naman." pang-aasar niya sabay abot ng pagkain sa akin.

"Kumain muna tayo, malayo pa tayo sa atin, malamang gutom ka na, naka-nganga ka na eh." 

"Adik! kung ano-ano ang pumapasok na kalokohan diyan sa isip mo pati ako pinagtri-tripan mo." sagot ko sa kanya na may halong pagkainis.

pagkatapos namin kumain ay minabuti ko na lang matulog ulit at nagtakip ng mukha upang kung sakaling makatulog ako ng malalim ay di niya makitang naka-nganga ako.

Pilit pa rin siyang nangungulit na wag akong matulog subalit di ko siya pinapansin.

Sa mga oras na iyon ay unti-unting nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili, tila nahuhulog ako sa bawat kilos at salita na ipinapakita ni Macky sa akin, ang mga pag-aalala niya mula kanina, hanggang sa ngayon na hindi nya ako nakalimutan pakainin. Ibang pakiramdam, natutuwa ako pero may kirot sa aking puso. Takot na muli ay mawalan na nman ako ng isang mahalagang tao sa buhay ko at tuluyang lumayo ng walang paalam.

1st year High school - Sta. Elena High School Marikina

June 28, 2001

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto at kausap ang aming adviser na si Mr. Florence. Di ko alam ang pinag-uusapan subalit parang di ako mapakali sa aking kinauupuan, gusto kong usisain kung anong meron subalit nahihiya ako dahil na rin di naman ako in-volve sa usapan nilang dalawa. Maya-maya ay pinapasok ni Sir Florence ang matangkad na lalaking ito at pinatayo sa harapan at ipinakilala sa buong klase.

"Class, siya si Reynaldo Ramos. bago ninyong classmate, galing siya ng Gapan City. Sige Mr. Ramos ipakilala mo ang iyong sarili sa buong klase.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya subalit walang pumapasok sa isip ko dahil nakatitig lang ako sa matangkad na lalaking ito, sa aking tantiya ay nasa 5"9 ang kanyang height, maganda ang pangagatawan, malapad ang mga balikat at lalaking lalaki kung umasta. matangos ang ilong at nangungusap ang mga mata. di siya ganoon kaputian, moreno kung pagmamasdan, at mukhang mabango siya.

Natapos ang kanyang pagpapakilala ay wala akong naunawaan sa mga sinabi niya dahil sa sobra akong naging busy na pagmasdan ang kanyang buong katawan. ( Nagpantasya?)

"Salamat Mr. Ramos, sige dun ka na lang maupo sa tabi ni Mr. Joves" sabay turo sa kinaroroonan ko.

Nagulat ako dahil sa aking narinig. Casual akong kumilos upang alisin ang bag ko sa katabi kong upuan upang doon ay maupo ang matangkad na lalaking ito.

Pagkalapit na pagkalapit niya sa akin ay nakangiti ito at iniabot ang kamay sa akin upang makipag-kilala

"Rey pala pare" sabay abot ng kamay

May kalaparan ang kanyang mga kamay di tulad ng sa akin na akalain mo ay kamay ng isang babae, (di kasi ako mahilig maglaro ng basketball noon kaya di nahubog ang aking mga kamay)
May kalambutan din ito at malinis ang mga kuko.

"Ah, Rhenz na lang, para di ka mailang." sagot ko sabay bitaw sa kanyang palad.

Tahimik lang ako sa aking upuan habang nakikinig sa lecture ng aming guro.

"Ilang taon ka na?" tanong niya na ikinagulat ko.

"ah, 15 lng ako, ikaw?" pabawi kong tanong

"18 na tumigil lang ako sa pag-aaral kaya nasa first year pa rin ako." sagot niya na medyo nahihiya

"Ok lng yan, kuya ko rin eh, matanda na nang mag-first year siya. Ok nga iyan eh, nagpatuloy ka pa rin sa pag-aaral." pampalubag loob na sagot ko sa kanya.

" Bakit ka nga pala tumigil ng pag-aaral?" usisa ko

"Lumipat kasi kami ng tirahan mula sa Nueva Ecija papunta dito sa Manila. Doon kami ngayon nakatira sa bahay ng kuya ko." sagot niya habang patuloy na nagsusulat upang kopyahin ang lecture sa blackboard.

"May kapatid ka pala dito? Saan kayo dito sa Marikina?" tanong ko ulit

"Sa Parang kami, doon sa Greenheights Subd. Nakikitira lang kami ng kapatid kong bunso." sagot nya habang patuloy sa pagsusulat.

"Ah! may kapatid ka pa? Ilang taon na siya? lalaki din?

"Hindi,  babae siya, first year din sya, nasa kabilang section lang siya, sabay na kami kasi nag-enrol dito, buti nga tinanggap pa kami kahit tapos na ang enrollment.  13 lang siya, kakagraduate lang. dapat last year pa kami umuwi dito, kaso pinatapos muna namin siya ng elementary para di masayang ung buwan na natitira sa kanya, kaya ayon, inantay ko na lang siya matapos, saka kami umuwi dito sa bahay ng kuya ko" paliwanag niya sabay tunog ng bell pahiwatig na tapos na ang klase at uwian na.

Nauna siyang lumabas ng classroom dahil susunduin pa daw niya ang kapatid niya sa kabilang section. Di na ako nakapag-paalam sa kanya dahil nagmamadali siya.

Masaya ang pakiramdam ko noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit, basta parang magaan ang pakiramdam ko mula ng makatabi ko siya sa loob ng klase. Hinayaan ko na rin siya na maka-alis dahil may bukas pa naman para makapag-kwentuhan ulit kami ng tungkol sa buhay niya. Marami pa sana akong gustong itanong subalit di ko na nagawa dahil sa pagmamadali niyang makalabas agad ng classroom.



Kinabukasan...........







itutuloy







Tuesday, August 07, 2012

Unspoken Love: Macky Part 4









Thursday, August 02, 2012

Unspoken Love : Macky Part 2


Tahimik lang ako noong mga oras na iyon nang biglang lumapit sa akin si Macky.

"Uy, Rhenz, sama ka sa grupo namin." paanyaya nya sa akin

"anung grupo yan?" tanong ko namn sa kanya.

"Grupo dito sa school. barkada, tropa ganun"

Wag na nakakahiya naman sa mga kasama mo, isa pa bago lang ako dito, tsaka andyan naman sila Celine may kaibigan naman ako dito" 

Iba pa rin ung may sarili kang tropa, kapitbahay mo na nga sila hanggang dito pa ba naman sila pa rin ang kasama mo. Isa pa mga babae sila. Baka naman.......??????

" anung ibig nito sabihin parang may gusto syang iparating aha. loko 'to ah" sabi ko sa isip ko.

"oo nga para makilala ka rin namin at makasama sa mga lakaran" biglang singit ni Jhun sa usapan namin ni Macky.

"Ah, eh kasi........."

"sige na ok lng yan naiintindihan ka namin, pero kung ayaw mo ok lng naman, basta andito lang ang tropa pag kailangan mo kami." tugon ni Macky sabay yaya kay Jhun para tumambay sa labas ng classroom

Napaisip din ako habang papalayo sila sa akin. OO nga naman bakit di ko sila pagbigyan, tutal bago naman ako sa school na ito at wala pa masyadong kakilala, at may point din si Macky sa sinabi nya kanina.

Isang araw sa klase,

"Ok class magkakaroon kayo ng project sa subject ko, bumuo kayo ng grupo at gagawa kayo ng isang role play na ang tema ay tungkol sa Drug addiction. Bibigyan ko kayo ng 1 month para gawin iyan. Limang grupo ang magprepresenta kada linggo. sa unang linggo ng October may dalawang grupo ang maprepresenta kaya galingan nyo." sabi ni Mr. Fernandez sabay alis sa harap ng klase at nakipagkwentuhan sa grupo nila Jazzie.

Kaya naman ay agad-agad tumayo ang mga kaklase ko at nagpuntahan sa kani-kanilang mga grupo at tropa. Ako naman ay hindi pa alam kung kaninong grupo ako sasali, dahil nagaasam ako na makasama sa grupo ang grupo nila Macky. Subalit di ako pinalad dahil ang grupo nila ay sumama sa grupo nila Jazzie. Nang magapproach ako ang sabi ni May ay tama na sila sa grupo nila. Sosobra na ako kapag sumama pa ako.

nalungkot ako dahil di ko nakasama ang grupo nila Macky, pagkakataon ko na sana na makasama sila at makilala ng lubos at tanggapin ang paanyaya sa akin.

Nang biglang sumigaw si Celine,

"Hoy, Rhenz dito ka na sumama sa amin, kulang pa kami ng isang lalaki para sa project."

nagulat ako at nawala sa malalim na pag-iisip at bigla na lang ako napa-oo at lumapit sa kanila.

Dumaan ang isang linggo at patuloy pa rin kami sa pagpra-praktis. Umulan o umaraw ay tuloy ang praktis para sa role playing.

Isang araw ng praktis namin ay biglang lumapit si Rhod sa amin. Nagsasabi na kung pwede daw bang sumali sa grupo namin, dahil hindi daw nya gusto dun sa grupo nila Jazzie. Dahil ako ang leader ng grupo ay pumayag ako at kinausap ko ang mga member ko kung pwede, at dahil mabait si rhod at cute naman sya, pumayag ang mga babaeng member ko sa grupo, Majority wins baga.

Araw-araw ay ganun ang set-up, nang isang araw ay nagbago ang takbo ng buhay ko

"Rhenz sabay na tayo," tawag sa akin ni Rhod.

"Ah ok sige"

Sa Marikina ka pala galing na school, bakit ka lumipat dito? tanong nya sa akin

kasi hindi ako taga Marikina, eh may patakaran kasi ang gobyerno nila na priority ang mga MarikeƱo students sa lahat ng pubic schools nila."

"Ah, kaya pala, nagulat nga ako nang makita kita sa loob ng klase eh, bago ka kasi at isang buwan na ang nakalipas tapos bigla kang dumating."

Ang dame nyang tanong sa akin pero dahil mukhang mabait naman sya ay nakapalagayan ko na sya ng loob. Araw araw ay sabay kami kumakain, umuuwi at nagkukwentuhan, at dahil katabi ko sya ng upuan ay madalas kami ang mag-kausap.

"Puede na tayo maging  mag-bestfriend? sabi ni Rhod habang kumakain kami sa loob ng classroom

"ha? ok lang tutal wala pa naman akong bestfriend dito eh"gulat kong sabi sabay ngiti sa kanya, na sya naman ay nagbigay din ng ngiti sa akin sabay akbay sa akin.

Dahil nga cute sya at kahawig nya ang super duper crush ko sa dati kong school ay parang may kung ano akong naramdaman sa mga akbay nya. Pero di ko pinahalata sa kanya para di sya mailang sa akin at isa pa bago lang kami na mag-bestfriend

Mas lalo pa kaming naging close dahil kasama ko sya sa grupo namin sa project.

dumating ang araw ng pinakahihintay namin, ang araw na kami na ang mapre=present ng ginawa namin, bawat isa ay excited at kinakabahan dahil maganda rin naman ang presentation ng ibang grupo, ang kaibahan lang ay kami ang pinaka huli kaya maraming idea ang pumasok sa isipan ko habang ginagawa ko ang kwento ng role play namin. Talagang sinadya kong hindi magaya o makopya ang alin man sa mga skit meron sa ibang grupo.

Halos patapos na ang eksena nang ang lahat nabigla sa aking ginawa

"Pak! All of you take your rest and go to hell!"

Lahat ay napatayo sa kani-kanilang upuan at napatingin sa isang babae na bumagsak sa sahig sa lakas na pagkakasampal ko sa kanya.

Isang parte ito ng kwento kung saan ay kailangan ko samapalin si Celine sa mukha gamit ang kanang kamay ko na hahampas sa kanang pisngi nya nya syang naging dahilan para bumagsak sya sa kinatatayuan nya. dahil yun ang highlights ng aming palabas. Kaya naman kahit si Mr. Fernandez ay nagulat sa aking ginawa.

Natapos na nga ang aming palabas at isang malakas na palakpakan ang natanggap namin sa aming ginawa. ang iba ay isa-isa pang lumalapit para batiin kami. Pati ibang section at year na nakipanood ay talagang laking hanga sa ginawa ng grupo namin, at ang iba ay nagsabing ibang level daw ang ginawa namin na puedeng gawing pelikula. At syempre proud ako dahil ako ang gumawa ng concept na aming palabas.


Ang galing mo namn Rhenz paano mo nagawa un? tanong ni Macky nang lumapit sya sa akin pagkatapos namin mag-present sa harap ng aming mga kaklase.

"ah wala yun, kailangan eh para mas maging maganda ang presentation namin, at para hindi kami mapahiya sa grupo nyo." pagyayabang ko sa kanya.

"naku, talagang maganda ang gawa nyo kesa sa amin, ang korny sayang nga dapat pala sa grupo nyo na lng ako sumama" 

"ok lng yun may next time pa naman eh, tsaka mganda rin naman yung gawa nyo, mas maganda nga lang ung sa amin. hehehehe" sabay tapik ko sa balikat nya at kuha ng bag ko para umuwi.

"Oh paano uwi na ako, napagod ako dun sa ginawa ko eh." paalam ko kay Macky sabay ngiti sa kanya.

O, sige Tol, bukas na lang ulit ha. sabay punta kila Jhun ng nakangiti.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ay lihim kong tiningnan si Macky na animo'y bata kung tumawa habang nakikipagkwentuhan kila Jhun at sa iba pa nyang tropa palabas ng classroom. Kasama nila si Rhod dahil isa sya sa mga tropa nila Macky at Jhun, iba lang talaga ang attitude ni Rhod dahil sobrang tahimik nito pag kasama nya ang tropa nya, di tulad kapag magkasama kami ay panay ang tawa at pangingiliti nya sa akin kapag nagbibiruan kami.

Napansin ko naman na tumingin ito sa akin at sa di ko malaman na dahila ay nagiba ang aura nito dahil sa nakita nyang magkausap kami ni Macky kanina. Hindi ko alam kung iyon ba ang dahilan o kung ano man ay wala akong idea sa nangyayari sa kanya.

Duamaan ang ilang araw ay madalas ko na kasama ang tropa ni Macky at kasama nga doon si Rhod. Madalas ay nagkukwentuhan kami sa canteen kapag walang teacher na pumasok sa klase namin.

Madalas din kami na ni Macky ang magkausap at magkasama at sabay na umuuwi. Hanggang sa isang araw.

"Hoy Rhod kamusta ka na? tagal natin di nagkausap ah, anung meron?" bati ko sa kanya

"wala!" nakasimangot nyang sabi sa akin

Wala? eh bakit di maipinta ang mukha mo, tsaka napansin ko na umiiwas ka sa akin nitong mga nakaraang araw.

Tahimik lang sya habang kunwari ay nagbabasa ng libro. Pero di ko sya tinigilan at patuloy ko siyang kinukulit.

Ano ba!? sabi na ngang wala eh, pumunta ka na doon kila Macky at sila na lang ang kulitin mo, wag ako, nakita mo na ngang nagbabasa ang tao eh, istorbo ka." pasigaw nyang sabi sa harapan ko. Ngayon ko lang sya nakitang ganoon ang itsura kaya nabigla ako sa mga sumunod pang pangyayari

"Ano bang problema bakit ka galit?" tanong ko sa kanya

Wala akong problema! at wala ka nang pakialam kung meron man." galit pa rin sya

"Anong wala eh bestfriend tayo di ba? kaya may paki-alam ako sa'yo" medyo naiinis na ako sa mga binibitiwan nyang salita pero kalma pa rin ako

"Asa ka pa! Bakla!" malakas nyang sigaw sa mukha ko.

nagulat ako sa sinabi nya at di ko kinaya ang narinig ko kaya....

Put@*&$#@ mo.!




sabay alis palayo sa kanya at nanginginig ako sa galit pero pinigil ko ang sarili ko dahil ayaw kong gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao. di ko na sya tiningnan pa at pumunta na lang ako kila Macky para makipagkwentuhan.

Pinilit ko ang sarili ko na hindi isipin ang mga sinabi ni Rhod sa akin kanina. Pero yun ang pumapasok sa isip ko habang kausap at nakikipagtawanan kila Macky.

Hindi ko alam kung bakit nya nasbi iyon, samantalang wala naman akong natatandaaan na ginawa o nagawa na maaring makapagbigay dahilan sa kanya para magalit sa akin at masabi ang mga katagang ganoon. 

Hanggang isang araw ay may narinig akong balita patungkol sa akin na may tsismis na kumakalat sa buong klase na bakla daw ako. Subalit di ko iyon inintindi dahil ang katwiran ko ay di naman nila ako lubos na kilala at wala naman akong mapapala kapag pinatulan ko pa ang tsismis na iyon.

Hanggang isang araw.......




itutuloy.................



Wednesday, August 01, 2012

Unspoken Love : Macky Part 1


"Klap, klap, klap,,,,............"

Yan ang sunod-sunod ko na narinig nang matapos ang role playing namin sa klase namin sa MAPEH.

Ang galing mo namn Rhenz paano mo nagawa un? tanong ni Macky nang lumapit sya sa akin pagkatapos namin mag-present sa harap ng aming mga kaklase.

2nd year ako nun, transferee sa isang school malapit sa lugar namin, isang sakay lang galing sa bahay. Natransfer ako sa school na iyon dahil hindi ako natanggap sa isang school sa Marikina dahil hindi daw ako taga-roon at hindi residente ng Marikina, kaya napilitan ako na lumipat ng school. Pero nakapagtapos pa ako doon ng 1st year bago ako maalis sa school na iyon.

Malungkot ako kasi iiwanan ko na ang mga kaibigan ko sa school na iyon pati na ang isang taong unang nagpalabas ng kung ano ako ngayon, si Naldo. 

"Aalis na ako sa lugar na ito ng hindi ko man lng nakikita ang taong nagbibigay dahilan kung bakit gusto-gusto ko dito sa school na ito" isang hapon habang pinagmamasdan ko ang buong kapaligaran ng school na iyon.

"sana makita kita, di ko alam kung may katulad mo sa bagong school na lilipatan ko, mamimiss kita" tanging nasabi ko sa sarili ko.

"Uy, Rhenz aalis ka na pala, sayang naman at di man lamang tayo nagkasama ng matagal sa school na ito, 1 month pa lang tayo ngkakasama sa klase natin pero parang ang sarap mo kasama." si Dex na sobrang kulit,

"Oo nga eh, ako din ayaw ko sanang umalis dito kasi masaya ako sa school na ito, marami kasi akong masasayang araw dito," tugon ko.

O bukas ha, bago ka umalis dapat magiwan ka ng kahit maikling message lang para sa amin ah." pangngungulit ni Dex.

"Kailangan ba talaga may ganun, eh nakakahiya namn sa inyo at sa mga girls natin na kaklase hahahaha." nakayukong sabi ko sabay tawa.

Okay lang yun, gusto nga rin nila un eh, yun ung narinig ko na pinag-uusapan kanina nila Ms. Nepumuceno.

"Ganun? sige subukan ko ha, Oh paano pre, uwi na ako, kita-kits na lang bukas" pag-papaalam ko sabay apir kay Dex.


Dumating na nga ang araw kung saan dapat na ako magpaalam sa mga kaibigan ko.

"Maraming salamat po sa inyong lahat, kahit na sa loob ng ilang linggo pa lang tayo nagkakakilala eh, naging mabait kayo sa akin, masaya ako dahil nakilala ko kayong lahat, hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat isa sa inyo." umiiyak kong banggit sa harap ng buong klase. sabay balik sa aking upuan.

bawat isa naman ay nagbigay ng kani-kaniyang mensahe para sa akin na sya naman talgang ngpaiyak sa akin ng lubos.

"Tahan na, wag ka na umiyak, oh eto ang panyo ko gamitin mo na, di bagay sa iyo ang umiiyak eh" sabay abot ni dex sa akin ng kanyang panyo, na sya namang ginamit ko para ipang-punas sa luha ko sabay tabig kay Dex.

"Ikaw talaga lagi mo na lang ako inaasar." 

"Ah, basta itigil mo na yan, maya libre kita sa canteen ng kahit anung gusto mo," panunuhol nya para hindi na ako iiyak talaga.

"Sige na nga, slamat ha, hindi kita makaklimutan, salamat sa lahat" tugon ko.

Yun na nga sabay kami kumain sa canteen kasama pa ng iba naming tropa, si Sherwin, Mike, Tiffany at iba pa. Kuwentuhan at tawanan sa buong oras ng recess namin ang naganap. Kaya naman buong maghapon na iyon ay puro lang tawanan at kulitan ang naganap sa mga oras na iyon.

Buti na lang at Friday, kinabukasan walang pasok, malungkot ako kasi hindi ko nakita si Naldo para makapagpaalam ng personal. Kaya buong weekend ay balisa ako, pero hindi ko pinapahalata sa mga kapatid ko, parang normal lang ang takbo ng buong weekend ko. Pero sa loob-loob ko ay sobra ang pangungulila ko kay Naldo.nangungulila dahil hindi na kami magkikita pa muli at walang pag-asang magkita pa kami dahil nung huling araw namin ng 1st year high school ay hindi na sya nagpakita at ang balita ko ay sumama na sa kapatid nya pauwing probinsya nila sa Gapan.

Lunes ng umaga ay maaga akong nagising dahil kailangan ko pang mag-igib ng tubig sa poso para sa maghapon sa gawain sa bahay, para pagdating ko sa hapon ay ang mga assignment ko na lang ang gagawin ko.

pagdating ko sa bago kong school ay hindi naman ako masyadong naninibago dahil may mga kaibigan at kapit-bahay din naman ako na kakilala ko na doon din nag-aaral.

"Uy, Rhenz dito ka na rin pala, ma mabuti yun lagi na tayong magkakasama." bati sa akin ni Celine pagpasok ko ng classroom. 

Ilang man akong konti dahil halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin at nagbubulung-bulunngan sa isa't isa. Hindi ko na lang pinansin at pinuntahan ko na lang ang upuan ko na nasa pinaka-sulok ng classroom at tabi ng bintana.

"Okay class we have new students here na galing ng Marikina High School." sabay tingin sa akin ni Mrs. Palma at tinawag ako para pumunta sa harap ng buong klase. "okay sige Mr. Joves introduce yourself.

Ganoon na nga at nagpakilala ako sa kanila, may nagtanong pa nga habang nagsasalita ako, di ko alam kung nagtatanong talaga o nag-aasar lang.

"Joves, ka-ano-ano mo si Ma'am Joves?" sigaw nya

"Ah baka Tita ko sya kasi pareho kami ng lugar sa probinsya namin" sagot ko sabay tawa ng mahina para basagin ang kung ano mang gagawing pagtritirp sa akin ni Lloyd. Isa kasi sya sa mga sinabi sa akin ni Celine na iwasan dahil sobrang pilyo daw nito, buti na lang at magaling din ako mang-asar kaya naman di ako nagpatalo sa kanya. Pagtapos ko magpakilala ay umalis na ako sa kinatatayuan ako, nang marinig ko ang isang babae na nagsbing, " Ang yabang naman nito, porket pareho lng ng apelyido Tita na nya agad " napalingon ako sa kanya at hindi na lang umimik sabay diretso sa upuan ko at nag-isip. 

"Anung problema nun? tanong ko sa sarili ko.

At ganun nga ang buhay ko sa loob ng isang linggo. Madalas ako irapan at sungitan ng isang grupo ng mga kababaihan. Na hindi ko nman alam kung ano ang dahilan.

Isang araw ay binigyan kami ng project ng teacher namin sa MAPEH. bubuo kami ng grupo at bubuo ng isang sayaw para sa subject namin na iyon. Dahil nga sa wala pa ako masyadong kilala sa klase kundi mga kapitbahay ko na puro babae ay sa kanila na lang ako sumama para hindi ako mawalan ng grade sa subject na ito.

Dumating na nga ang araw ng presentation namin, at ayun. sige ang sayaw namin. Nang biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid namin habang sumasayaw kami ng grupo ko. Dahil iyon sa isang part ng sayaw na ako ang highlights.

"Go Rhenz!"

Sige Rhenz giling mo pa!"

"Hahahahaha"

tawanan at hiyawan lang ang naririnig ko habang sumasayaw ako.  Sukat ba naman kasi na maisipan iyon ni Rai, isa sa mga kasama ko sa grupo. Naisipan nya un dahil para daw may konting patawa sa gagawin namin. At sya talaga ang nakaisip nun ha. Un daw ang paraan para makuha namin ang mataas na grade, at para makumpetensiya ang grupo nila Jazzie. Dahil sa tuwing may presentation ay sila lagi ang bida. At yun nga ako ang naging tampulan ng hiyawan sa loob ng klase. Pero ok lng sanay naman ako eh, dahil sumasali talaga ako sa mga school competition nung elementary pa lang ako kaya sanay na ako. Yun din siguro ang dahilan kaya naisip ni Rai na ipagawa ang ganoong sayaw sa akin, ang gumiling at kumembot sa ginta habang nakapalibot sa akin ang mga babaeng ka-grupo ko sa sayaw.

Habang sumasayaw ako ay nakita kong nakatingin sa akin ang isang lalaki na kaklase namin at seryoso sya, pero minsan ay nangigniti habang pinapanood akong sumasayaw.

Pagkatapos ng sayaw ay tawa kami ng tawa dahil sa ginawa ko. at iyon na nga, natalbugan namin ang presentation nila Jazzie kaya naman sobrang init ng dugo nila sa akin.

Kinabukasan ay ganoon pa rin panay pa rin ang parining sa akin ng grupo ni Jazzie dahil sa nangyari kahapon, pero ang kaibahan ay parang may biglang superhero na lumitaw para ipagtanggol ako sa grupo nila Jazzie.

"Puede ba tigilan nyo na si rhenz, wala naman syang ginagawa sa inyo ha," pagtatanggol sa akin ni Macky

"Hindi okay lang yun, sanay na ako jan, salamat na lang" pagpigil ko kay Macky sabay nagpaalam na ako sa kanila para di na lumaki ang gulo.

"bakit nya kaya ginawa iyon? anung meron? tanong ko uli sa sarili ko.

si Macky ay kilala sa school na iyon dahil varsity sya ng Badminton at Sepak Takraw at kung ano ano pang sports kaya naman kilalang kilala sya, at isa pa doon ay heartrob din sya dahil sa angking katalinuhan at kagwapuhan nya, pero di sya ganoon katangkad, ngunit maputi, matangos ang ilong, mapupulang labi at laging mabango. Kaya naman maraming babae ang nagkakagusto sa knya sa school na iyon, pati nga mga Senior na babae at ibang section ay pinagkakaguluhan sya. Pero inis ako sa kanya dahil sobrang angas lang nya at sobrang yabang nya dahil sa mga ganoong recognition na naririnig nya.

"Oh Jhun, wala ka na naman pati si Venus ako ang gusto," sabay tawa sa harap ng klase, pagyayabang ni Macky kay Jhun.

Oh, di mo alam ang sagot jan, sus! ang dali dali lang nyan eh, sisiw lang sa akin yang Algebra na yan."

yan ang mga salitang naririnig ko kay Macky sa tuwing gusto nya magpasikat sa klase, kaya naman inis na inis ako sa kanya eh.


"akala mo kung sino makapagsalita itong tao na ito, Grrrrrrr...sobrang yabang, masyadong mahangin." pang-gigil ko sa sarili ko habang tahimik na nakatingin kay Macky.





itutuloy.........