Saturday, July 28, 2012

Start of life

Magandang araw mga kaibigan. Masaya ako dahil kahit papaano sa site na ito ay mailalabas ko ang mga tinatago ko sa aking sarili sa mata ng lahat ng taong nakapaligid sa akin. Mahirap dahil ako lang ang tanging nakakaalam, may mga kaibigan ako pero sa tingin ko wala silang time para pakinggan ako dahil may kanya-kanya din silang buhay at alalahanin sa kanilang buhay.

Minsan ko nang sinubukan na ilabas ito subalit bigo ako na magawa iyon. Ito ay dahil sa siguro they cannot accept the real fact na ito talaga ako.

Bago ang lahat nais ko munang ipakilala ang sarili ko sa inyo. Just call me na lang sa Nickname ko na "Putchie". 26yrs old at Graduate ng 2year course sa isang simpleng Computer Technical school sa Marikina. I a now currently here at KSA.

Ako, isang simpleng tao na maraming pangarap, na yung iba ay di ko naabot at di ko na maabot siguro. I've been a good son and brother to my family, a good friend but sometimes that being good makes me sad everytime I realize na wala rin palang silbi ang pagiging mabait. Kung minsan kasi ito pa ang nagiging dahilan ng pagkalungkot ko.

Galing ako sa isang pamilyang hindi maganda, I mean hindi naging maganda ang takbo ng buhay, Our father left us to my mother when I was 6yrs old, I knew him and I saw him when I was growing up, kaso kahit ganon di ko naranasan ang magkaroon ng ama habang lumalaki ako. Masakit kasi wala akong masabihan ng mga problema ko. For sure I am not alone in this situation, marami rin naman ang lumaki ng di kapiling ang kanilang ama, ramdam ko yun.

May mga kapatid ako, pero we're not open to each other when it comes to our feelings. Masyado kaming naging matigas, dahil alam ko yun ang magiging paraan para tumatag kami. Kaya naman kahit kami ay nahihiya sa isa't isa pagdating sa mga confessions and drama sa buhay. Kapag nanonood nga kami ng mga movies or short film na tungkol sa storya ng isang pamilya na pareho ng naranasan namin, walang kumikibo at kung minsan ay ililipat na lang ang channel ng tv para maiba ang atmosphere ng bahay namin, kapag naman heavy drama na ang set ng palabas, may isang mang-aasar na " Oh bakit ka umiiyak? or "Oh walang iyakan, palabas lang yan eh, iniiyakan mo" ganoon kami nung mga bata pa kami, kaya siguro iyon ang naging dahilan bakit takot kami sa isa't isa na maglabas ng kung ano man ang dinadala namin sa sarili namin.

Hanggang sa ngayon, ganun pa rin, ni isa sa amin ayaw magsabi ng dinadala namin. Pero kung minsan kusang kumakawala ang mga ganoong pagkakataon lalo na na malayo ako sa kanila. Dahil nga hindi ako sanay, ako minsan ung kumakalas sa usapan at nagigign iwas pusoy para lang maiba ang eksena. Hahahaha, nakakatawa lang dahil kung kelan naman may pagkakataon saka naman ako nawawalan ng lakas ng loob.

Hay, nako masyado nang mahaba ang kuwento ko, wala lang kasi gusto ko lang ipakilala ang sarili ko sa inyo, at alam ko marami pa tayong pagsasamahan, at sinisigurado ko sa inyo na marami akong ikukuwento sa inyo sa mga darating pang panahon. Salamat sa pakikinig at enjoy sa blog site ko na ito.

Love lots,

Chie

http://www.youtube.com/watch?v=u_S2agZQFDY&feature=related

No comments:

Post a Comment